2 Mga Hari 2

May grupo ng mga propeta roon sa Betel na pumunta kay Eliseo at nagtanong, “Alam mo bang kukunin na ng Panginoon ang iyong guro sa araw na ito?” Sumagot si Eliseo, “Oo, alam ko, kaya huwag na kayong maingay.”

2 Kings 2:3 (UKJV) And the sons of the prophets that were at Bethel came forth to Elisha, and said unto him, Know you that the LORD will take away your master from your head to day? And he said, Yea, I know it; hold all of you your peace.

1Nang oras na kukunin na ng Panginoon si Elias upang dalhin sa langit sa pamamagitan ng isang ipuipo, naglalakad sina Elias at Eliseo galing sa Gilgal.

2Sinabi ni Elias kay Eliseo, “Maiwan ka dito, dahil pinapapunta ako ng Panginoon sa Betel.” Ngunit sinabi ni Eliseo, “Sumusumpa ako sa buháy na Panginoon at saʼyo, hindi kita iiwan.” Kaya pumunta sila sa Betel.

3May grupo ng mga propeta roon sa Betel na pumunta kay Eliseo at nagtanong, “Alam mo bang kukunin na ng Panginoon ang iyong guro sa araw na ito?” Sumagot si Eliseo, “Oo, alam ko, kaya huwag na kayong maingay.”

4Pagkatapos, sinabi ni Elias kay Eliseo, “Maiwan ka dito, dahil pinapapunta ako ng Panginoon sa Jerico.” Sumagot si Eliseo, “Sumusumpa ako sa buháy na Panginoon at saʼyo, hindi kita iiwan.” Kaya pumunta sila sa Jerico.

5Muli, may grupo ng mga propeta roon sa Jerico na pumunta kay Eliseo at nagtanong, “Alam mo bang kukunin na ng Panginoon ang iyong guro sa araw na ito?” Sumagot si Eliseo, “Oo, alam ko, kaya huwag na kayong maingay.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.