2 Mga Hari 2

Pagkatapos, sinabi ni Elias kay Eliseo, “Maiwan ka dito, dahil pinapapunta ako ng Panginoon sa Jerico.” Sumagot si Eliseo, “Sumusumpa ako sa buháy na Panginoon at saʼyo, hindi kita iiwan.” Kaya pumunta sila sa Jerico.

2 Kings 2:4 (UKJV) And Elijah said unto him, Elisha, tarry here, I pray you; for the LORD has sent me to Jericho. And he said, As the LORD lives, and as your soul lives, I will not leave you. So they came to Jericho.

2Sinabi ni Elias kay Eliseo, “Maiwan ka dito, dahil pinapapunta ako ng Panginoon sa Betel.” Ngunit sinabi ni Eliseo, “Sumusumpa ako sa buháy na Panginoon at saʼyo, hindi kita iiwan.” Kaya pumunta sila sa Betel.

3May grupo ng mga propeta roon sa Betel na pumunta kay Eliseo at nagtanong, “Alam mo bang kukunin na ng Panginoon ang iyong guro sa araw na ito?” Sumagot si Eliseo, “Oo, alam ko, kaya huwag na kayong maingay.”

4Pagkatapos, sinabi ni Elias kay Eliseo, “Maiwan ka dito, dahil pinapapunta ako ng Panginoon sa Jerico.” Sumagot si Eliseo, “Sumusumpa ako sa buháy na Panginoon at saʼyo, hindi kita iiwan.” Kaya pumunta sila sa Jerico.

5Muli, may grupo ng mga propeta roon sa Jerico na pumunta kay Eliseo at nagtanong, “Alam mo bang kukunin na ng Panginoon ang iyong guro sa araw na ito?” Sumagot si Eliseo, “Oo, alam ko, kaya huwag na kayong maingay.”

6Pagkatapos, sinabi ni Elias kay Eliseo, “Maiwan ka na lang dito, dahil pinapapunta ako ng Panginoon sa Jordan.” Sumagot si Eliseo, “Sumusumpa ako sa buháy na Panginoon at saʼyo, hindi kita iiwan.” Kaya nagpatuloy silang dalawa sa paglalakad.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.