2 Mga Hari 20

Nagtanong pa ang propeta, “Ano ang nakita nila sa palasyo mo?” Sumagot si Ezequias, “Nakita nila ang lahat ng bagay sa palasyo ko. Wala kahit isa sa mga kayamanan ko ang hindi ko ipinakita sa kanila.”

2 Kings 20:15 (UKJV) And he said, What have they seen in yours house? And Hezekiah answered, All the things that are in mine house have they seen: there is nothing among my treasures that I have not showed them.

13Malugod na tinanggap ni Ezequias ang mga sugo, at ipinakita niya sa mga ito ang lahat ng mga bagay sa taguan ng kayamanan niya – ang mga pilak, ginto, sangkap, ibaʼt ibang uri ng pabango, mga armas at ang iba pa niyang mga kayamanan. Wala ni isang bagay sa palasyo o kaharian ang hindi niya ipinakita sa kanila.

14Samantala, pumunta si Propeta Isaias kay Haring Ezequias at nagtanong, “Saan ba nanggaling ang mga taong iyan at ano ang kailangan nila?” Sumagot si Ezequias, “Nanggaling sila sa malayong lugar ng Babilonia.”

15Nagtanong pa ang propeta, “Ano ang nakita nila sa palasyo mo?” Sumagot si Ezequias, “Nakita nila ang lahat ng bagay sa palasyo ko. Wala kahit isa sa mga kayamanan ko ang hindi ko ipinakita sa kanila.”

16Pagkatapos, sinabi ni Isaias kay Ezequias, “Pakinggan mo ang mensahe ng Panginoon:

17Darating ang panahon na dadalhin sa Babilonia ang lahat ng kayamanan sa palasyo mo, pati ang lahat ng naipon ng mga ninuno mo na nariyan pa hanggang ngayon. Walang matitira, sabi ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.