2 Mga Hari 20

Pagkatapos, sinabi ni Isaias kay Ezequias, “Pakinggan mo ang mensahe ng Panginoon:

2 Kings 20:16 (UKJV) And Isaiah said unto Hezekiah, Hear the word of the LORD.

14Samantala, pumunta si Propeta Isaias kay Haring Ezequias at nagtanong, “Saan ba nanggaling ang mga taong iyan at ano ang kailangan nila?” Sumagot si Ezequias, “Nanggaling sila sa malayong lugar ng Babilonia.”

15Nagtanong pa ang propeta, “Ano ang nakita nila sa palasyo mo?” Sumagot si Ezequias, “Nakita nila ang lahat ng bagay sa palasyo ko. Wala kahit isa sa mga kayamanan ko ang hindi ko ipinakita sa kanila.”

16Pagkatapos, sinabi ni Isaias kay Ezequias, “Pakinggan mo ang mensahe ng Panginoon:

17Darating ang panahon na dadalhin sa Babilonia ang lahat ng kayamanan sa palasyo mo, pati ang lahat ng naipon ng mga ninuno mo na nariyan pa hanggang ngayon. Walang matitira, sabi ng Panginoon.

18At ang iba sa mga susunod na lahi mo ay bibihagin at magiging lingkod sa palasyo ng hari ng Babilonia.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.