2 Mga Hari 20

Naitanong na noon ni Ezequias kay Isaias, “Ano ba ang palatandaan na pagagalingin ako ng Panginoon at makakapunta sa kanyang Templo sa ikatlong araw mula ngayon?”

2 Kings 20:8 (UKJV) And Hezekiah said unto Isaiah, What shall be the sign that the LORD will heal me, and that I shall go up into the house of the LORD the third day?

6Dadagdagan ko pa ng labinlimang taon ang buhay mo. Ililigtas kita at ang lungsod na ito sa kamay ng hari ng Asiria. Iingatan ko ang lungsod na ito para sa karangalan ko at dahil kay David na aking lingkod.’ ”

7Pagkatapos, sinabi ni Isaias sa mga utusan ng hari, “Kumuha kayo ng nilupak na igos.” Iyon nga ang ginawa nila at saka itinapal nila ito sa namamagang bukol ng hari, at gumaling siya.

8Naitanong na noon ni Ezequias kay Isaias, “Ano ba ang palatandaan na pagagalingin ako ng Panginoon at makakapunta sa kanyang Templo sa ikatlong araw mula ngayon?”

9Sumagot si Isaias, “Ito ang tanda na ibibigay ng Panginoon na magpapatunay na tutuparin niya ang pangako niya. Pumili ka sa dalawang ito: Aatras ng sampung hakbang ang anino ng araw sa orasan o aabante ng sampung hakbang?”

10Sumagot si Ezequias, “Mas madaling umabante ng sampung hakbang ang anino, kaya paatrasin mo na lang ito ng sampung hakbang!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.