7Pagkatapos, sinabi ni Isaias sa mga utusan ng hari, “Kumuha kayo ng nilupak na igos.” Iyon nga ang ginawa nila at saka itinapal nila ito sa namamagang bukol ng hari, at gumaling siya.
8Naitanong na noon ni Ezequias kay Isaias, “Ano ba ang palatandaan na pagagalingin ako ng Panginoon at makakapunta sa kanyang Templo sa ikatlong araw mula ngayon?”
9Sumagot si Isaias, “Ito ang tanda na ibibigay ng Panginoon na magpapatunay na tutuparin niya ang pangako niya. Pumili ka sa dalawang ito: Aatras ng sampung hakbang ang anino ng araw sa orasan o aabante ng sampung hakbang?”
10Sumagot si Ezequias, “Mas madaling umabante ng sampung hakbang ang anino, kaya paatrasin mo na lang ito ng sampung hakbang!”
11Kaya nanalangin si Propeta Isaias sa Panginoon at pinaatras ng Panginoon ng sampung hakbang ang anino ng araw sa orasan na ipinagawa ni Ahaz.