18Namatay si Manases, at inilibing siya sa hardin ng kanyang palasyo, na tinatawag na Uza. At ang anak niyang si Amon ang pumalit sa kanya bilang hari.
19Si Amon ay dalawampuʼt dalawang taóng gulang nang maging hari ng Juda. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya sa loob ng dalawang taon. Ang kanyang ina ay si Mesulemet na taga-Jotba at anak ni Haruz.
20Masama ang ginawa ni Amon sa paningin ng Panginoon, katulad ng ginawa ni Manases na kanyang ama.
21Sinunod niya ang pamumuhay ng kanyang ama. Sinamba niya ang mga diyos-diyosan na sinasamba nito
22at itinakwil niya ang Panginoon, ang Diyos ng mga ninuno niya. Hindi niya sinunod ang pamamaraan ng Panginoon.