2 Mga Hari 21

Muli niyang ipinatayo ang mga sambahan sa matataas na lugar na ipinagiba ng ama niyang si Ezequias. Nagpatayo rin siya ang mga altar para kay Baal at nagpagawa ng posteng imahen ng diyosang si Ashera, tulad ng ipinagawa ni Haring Ahab ng Israel. Sumamba siya sa lahat ng bagay na nasa langit.

2 Kings 21:3 (UKJV) For he built up again the high places which Hezekiah his father had destroyed; and he reared up altars for Baal, and made a grove, as did Ahab king of Israel; and worshipped all the host of heaven, and served them.

1Si Manases ay labindalawang taóng gulang nang maging hari ng Juda. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng limampuʼt limang taon. Ang kanyang ina ay si Hefziba.

2Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon. Sumunod siya sa kasuklam-suklam na gawain ng mga bansang pinalayas ng Panginoon sa pamamagitan ng mga Israelita.

3Muli niyang ipinatayo ang mga sambahan sa matataas na lugar na ipinagiba ng ama niyang si Ezequias. Nagpatayo rin siya ang mga altar para kay Baal at nagpagawa ng posteng imahen ng diyosang si Ashera, tulad ng ipinagawa ni Haring Ahab ng Israel. Sumamba siya sa lahat ng bagay na nasa langit.

4Nagpagawa pa siya ng mga altar sa Templo ng Panginoon sa Jerusalem, ang lugar na sinabi ng Panginoon na pararangalan siya.

5Inilagay niya ang mga altar sa magkabilang panig ng bakuran ng Templo ng Panginoon para sambahin ang lahat ng bagay sa langit.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.