2 Mga Hari 21

Inilagay niya ang mga altar sa magkabilang panig ng bakuran ng Templo ng Panginoon para sambahin ang lahat ng bagay sa langit.

2 Kings 21:5 (UKJV) And he built altars for all the host of heaven in the two courts of the house of the LORD.

3Muli niyang ipinatayo ang mga sambahan sa matataas na lugar na ipinagiba ng ama niyang si Ezequias. Nagpatayo rin siya ang mga altar para kay Baal at nagpagawa ng posteng imahen ng diyosang si Ashera, tulad ng ipinagawa ni Haring Ahab ng Israel. Sumamba siya sa lahat ng bagay na nasa langit.

4Nagpagawa pa siya ng mga altar sa Templo ng Panginoon sa Jerusalem, ang lugar na sinabi ng Panginoon na pararangalan siya.

5Inilagay niya ang mga altar sa magkabilang panig ng bakuran ng Templo ng Panginoon para sambahin ang lahat ng bagay sa langit.

6Inihandog pa niya ang sarili niyang anak sa apoy. Ginawa rin niya ang mga ginagawa ng mga mangkukulam at mga manghuhula, at nagtatanong siya sa mga espiritista na nakikipag-usap sa kaluluwa ng patay. Labis ang pagkakasala ni Manases na nakapagpagalit sa Panginoon.

7Ang ipinagawa niyang posteng imahen ng diyosang si Ashera ay inilagay niya sa Templo, ang lugar kung saan sinabi ng Panginoon kay David at sa anak nitong si Solomon, “Pararangalan ako habambuhay sa Templong ito at sa Jerusalem, ang lugar na pinili ko sa lahat ng lahi ng Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.