2 Mga Hari 22

Sinabi ni Hilkias na punong pari kay Safan na kalihim, “Nakita ko ang Aklat ng Kautusan sa Templo ng Panginoon.” Ibinigay ni Hilkias ang aklat kay Safan at binasa niya ito.

2 Kings 22:8 (UKJV) And Hilkiah the high priest said unto Shaphan the scribe, I have found the book of the law in the house of the LORD. And Hilkiah gave the book to Shaphan, and he read it.

6ang mga karpintero at mga mason. Ang ibang pera ay ibibili nila ng mga kahoy at mga hinating bato na kailangan sa pagpapaayos ng Templo.

7Hindi na sila kailangan pang hanapan ng listahan kung paano ginastos ang pera dahil mapagkakatiwalaan sila.”

8Sinabi ni Hilkias na punong pari kay Safan na kalihim, “Nakita ko ang Aklat ng Kautusan sa Templo ng Panginoon.” Ibinigay ni Hilkias ang aklat kay Safan at binasa niya ito.

9Pagkatapos, pumunta si Safan sa hari at sinabi, “Kinuha na po ng mga opisyal ninyo ang pera sa Templo ng Panginoon at ibinigay sa mga katiwala na itinalaga sa pagpapaayos ng Templo.”

10Sinabi pa niya sa hari, “May ibinigay na aklat sa akin ang paring si Hilkias.” At binasa niya ito sa harapan ng hari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.