7Hindi na sila kailangan pang hanapan ng listahan kung paano ginastos ang pera dahil mapagkakatiwalaan sila.”
8Sinabi ni Hilkias na punong pari kay Safan na kalihim, “Nakita ko ang Aklat ng Kautusan sa Templo ng Panginoon.” Ibinigay ni Hilkias ang aklat kay Safan at binasa niya ito.
9Pagkatapos, pumunta si Safan sa hari at sinabi, “Kinuha na po ng mga opisyal ninyo ang pera sa Templo ng Panginoon at ibinigay sa mga katiwala na itinalaga sa pagpapaayos ng Templo.”
10Sinabi pa niya sa hari, “May ibinigay na aklat sa akin ang paring si Hilkias.” At binasa niya ito sa harapan ng hari.
11Nang marinig ng hari ang nakasulat sa Aklat ng Kautusan, pinunit niya ang kanyang damit.