2 Mga Hari 23

Walang sinumang naging hari ang katulad ni Josias na sumunod sa Panginoon nang buong puso, buong kaluluwa at buong lakas, alinsunod sa Kautusan ni Moises; kahit ang mga nauna sa kanya, maging ang mga sumunod sa kanya.

2 Kings 23:25 (UKJV) And like unto him was there no king before him, that turned to the LORD with all his heart, and with all his soul, and with all his might, according to all the law of Moses; neither after him arose there any like him.

23Ipinagdiwang nila ang pista sa Jerusalem para parangalan ang Panginoon nang ikalabingwalong taóng paghahari ni Josias.

24Pinalayas din ni Josias sa Jerusalem at sa buong Juda ang mga espiritista na nakikipag-usap sa mga kaluluwa ng patay, ang mga diyos ng mga tahanan, ang iba pang mga diyos-diyosan at ang lahat ng kasuklam-suklam na sinasamba ng mga tao. Ginawa ito ni Josias para tuparin ang mga utos na nakasulat sa aklat na nakita ng paring si Hilkias sa Templo ng Panginoon.

25Walang sinumang naging hari ang katulad ni Josias na sumunod sa Panginoon nang buong puso, buong kaluluwa at buong lakas, alinsunod sa Kautusan ni Moises; kahit ang mga nauna sa kanya, maging ang mga sumunod sa kanya.

26Pero kahit tinupad pa niya itong lahat, hindi pa rin nawala ang galit ng Panginoon sa Juda, dahil sa lahat ng ginawa ni Manases na nakapagpagalit sa kanya.

27Kaya sinabi ng Panginoon, “Palalayasin ko sa aking harapan ang Juda katulad ng ginawa ko sa Israel at itatakwil ko ang Jerusalem, ang lungsod na aking pinili at ang Templong ito na sinabi kong dito ako pararangalan.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.