2Ipinadala ng Panginoon ang mga taga-Babilonia, taga-Aram, taga-Moab at Amonita para lusubin ang Juda, ayon sa sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng mga lingkod niyang propeta.
3Nangyari ito sa Juda ayon sa iniutos ng Panginoon, para mapalayas niya ang mga ito sa harapan niya, dahil sa mga kasalanang ginawa ni Manases.
4Ang pagpatay niya sa mga inosenteng tao at ang pagdanak ng dugo nito sa Jerusalem ay hindi mapapatawad ng Panginoon.
5Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Jehoiakim, at lahat ng ginawa niya ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Juda.
6Nang mamatay si Jehoiakim, ang anak niyang si Jehoiakin ang pumalit sa kanya bilang hari.