5Ngunit pagkamatay ni Ahab, nagrebelde siya sa hari ng Israel.
6Kaya noong panahong iyon, tinipon ni Joram ang buong Israel at umalis sila sa Samaria upang lusubin ang Moab.
7Nagpadala siya ng ganitong mensahe kay Haring Jehoshafat ng Juda: “Nagrebelde sa akin ang hari ng Moab. Sasáma ka ba sa akin para makipaglaban sa kanila?” Sumagot si Jehoshafat, “Oo, sasáma ako saʼyo. Handa akong sumáma sa iyo pati na ang aking mga sundalo. Maging ang mga kabayo ko ay handa kong ipagamit saʼyo.
8“Saan tayo dadaan kung lulusob tayo?” Tanong pa niya. Sumagot si Joram, “Sa ilang ng Edom.”
9Kaya lumakad ang hari ng Israel, kasama ang hari ng Juda at ang hari ng Edom. Pagkatapos ng pitong araw nilang paglalakad sa mahabang ruta, naubusan ng tubig ang mga sundalo at ang mga hayop nila.