2 Mga Hari 4

May isang biyuda na ang asawa ay dating kaanib sa grupo ng mga propeta. Isang araw, humingi siya ng tulong kay Eliseo. Sinabi niya, “Patay na po ang asawa ko na inyong lingkod at alam nʼyo kung gaano niya iginagalang ang Panginoon. Ngunit ngayon, ang tao po na pinagkakautangan niya ay dumating upang kunin ang dalawa kong anak na lalaki at gawing alipin.”

2 Kings 4:1 (UKJV) Now there cried a certain woman of the wives of the sons of the prophets unto Elisha, saying, Your servant my husband is dead; and you know that your servant did fear the LORD: and the creditor has come to take unto him my two sons to be bondmen.

1May isang biyuda na ang asawa ay dating kaanib sa grupo ng mga propeta. Isang araw, humingi siya ng tulong kay Eliseo. Sinabi niya, “Patay na po ang asawa ko na inyong lingkod at alam nʼyo kung gaano niya iginagalang ang Panginoon. Ngunit ngayon, ang tao po na pinagkakautangan niya ay dumating upang kunin ang dalawa kong anak na lalaki at gawing alipin.”

2Sinabi sa kanya ni Eliseo, “Ano ang maitutulong ko sa iyo? Sabihin mo sa akin, ano ang mayroon sa bahay mo?” Sumagot ang babae, “Wala po, maliban lang sa kaunting langis ng olibo sa lalagyan.”

3Sinabi ni Eliseo, “Puntahan mo ang lahat ng kapitbahay mo at manghiram ka ng maraming sisidlan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.