15Sinabi ni Eliseo, “Tawagin mo siya ulit.” Kaya tinawag siya ni Gehazi at tumayo ang babae sa pintuan.
16Sinabi ni Eliseo sa kanya, “Sa susunod na taon, sa ganito ring panahon, may kinakalong ka nang anak na lalaki.” “Huwag naman po, ginoo!” tugon ng babae. “Nakikiusap po ako sa inyo, lingkod ng Diyos, huwag naman po sana ninyo akong paasahin.”
17Nagbuntis nga ang babae at nanganak ng lalaki sa ganoon ding panahon nang sumunod na taon, ayon sa sinabi ni Eliseo.
18Isang araw, nang lumaki na ang bata, pumunta siya sa kanyang ama na nagtatrabaho sa bukid kasama ng mga gumagapas.
19Sinabi niya sa kanyang ama, “Masakit po ang ulo ko! Masakit po ang ulo ko!” Sinabi ng kanyang ama sa utusan, “Dalhin mo siya sa kanyang ina!”