22Tinawag ng babae ang asawa niya at sinabi, “Padalhan mo ako ng isang utusan at isang asno para mabilis akong makapunta sa lingkod ng Panginoon at makabalik agad.”
23Nagtanong ang asawa niya, “Bakit ngayon ka pupunta? Hindi naman Pista ng Bagong Buwan o Araw ng Pamamahinga?” Sumagot ang babae, “Ayos lang ʼyon.”
24Kaya nilagyan niya ng upuan ang asno at sinabi sa utusan niya, “Bilisan mo! Huwag kang titigil hanggaʼt hindi ko sinasabi.”
25Kaya umalis sila, at nakarating sa Bundok ng Carmel kung saan naroon ang lingkod ng Diyos. Nang makita ni Eliseo sa di-kalayuan na paparating ang babae, sinabi niya sa katulong niyang si Gehazi, “Tingnan mo, parating ang babaeng taga-Shunem!
26Salubungin mo siya at kumustahin. Sabihin mo, ‘Kumusta po kayo, ang inyong asawa at anak?’ ” Sinabi ng babae kay Gehazi, “Mabuti naman ang lahat.”