2 Mga Hari 4

Kaya umalis sila, at nakarating sa Bundok ng Carmel kung saan naroon ang lingkod ng Diyos. Nang makita ni Eliseo sa di-kalayuan na paparating ang babae, sinabi niya sa katulong niyang si Gehazi, “Tingnan mo, parating ang babaeng taga-Shunem!

2 Kings 4:25 (UKJV) So she went and came unto the man of God to mount Carmel. And it came to pass, when the man of God saw her far off, that he said to Gehazi his servant, Behold, yonder is that Shunammite:

23Nagtanong ang asawa niya, “Bakit ngayon ka pupunta? Hindi naman Pista ng Bagong Buwan o Araw ng Pamamahinga?” Sumagot ang babae, “Ayos lang ʼyon.”

24Kaya nilagyan niya ng upuan ang asno at sinabi sa utusan niya, “Bilisan mo! Huwag kang titigil hanggaʼt hindi ko sinasabi.”

25Kaya umalis sila, at nakarating sa Bundok ng Carmel kung saan naroon ang lingkod ng Diyos. Nang makita ni Eliseo sa di-kalayuan na paparating ang babae, sinabi niya sa katulong niyang si Gehazi, “Tingnan mo, parating ang babaeng taga-Shunem!

26Salubungin mo siya at kumustahin. Sabihin mo, ‘Kumusta po kayo, ang inyong asawa at anak?’ ” Sinabi ng babae kay Gehazi, “Mabuti naman ang lahat.”

27Ngunit pagdating niya kay Eliseo sa bundok, lumuhod siya at hinawakan ang paa ni Eliseo. Lumapit si Gehazi para hilahin ang babae palayo. Subalit sinabi ni Eliseo, “Hayaan mo siya! May dinaramdam siya, pero hindi sinabi sa akin ng Panginoon kung bakit.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.