2 Mga Hari 4

Ngunit pagdating niya kay Eliseo sa bundok, lumuhod siya at hinawakan ang paa ni Eliseo. Lumapit si Gehazi para hilahin ang babae palayo. Subalit sinabi ni Eliseo, “Hayaan mo siya! May dinaramdam siya, pero hindi sinabi sa akin ng Panginoon kung bakit.”

2 Kings 4:27 (UKJV) And when she came to the man of God to the hill, she caught him by the feet: but Gehazi came near to thrust her away. And the man of God said, Let her alone; for her soul is vexed within her: and the LORD has hid it from me, and has not told me.

25Kaya umalis sila, at nakarating sa Bundok ng Carmel kung saan naroon ang lingkod ng Diyos. Nang makita ni Eliseo sa di-kalayuan na paparating ang babae, sinabi niya sa katulong niyang si Gehazi, “Tingnan mo, parating ang babaeng taga-Shunem!

26Salubungin mo siya at kumustahin. Sabihin mo, ‘Kumusta po kayo, ang inyong asawa at anak?’ ” Sinabi ng babae kay Gehazi, “Mabuti naman ang lahat.”

27Ngunit pagdating niya kay Eliseo sa bundok, lumuhod siya at hinawakan ang paa ni Eliseo. Lumapit si Gehazi para hilahin ang babae palayo. Subalit sinabi ni Eliseo, “Hayaan mo siya! May dinaramdam siya, pero hindi sinabi sa akin ng Panginoon kung bakit.”

28Sinabi ng babae, “Ginoo, hindi naman po ako humiling sa inyo na magkaroon ako ng anak, ʼdi po ba? Sinabi ko pa nga sa inyo na huwag na po ninyo akong paasahin.”

29Kaya sinabi ni Eliseo kay Gehazi, “Maghanda ka, dalhin mo ang aking tungkod at magmadali ka. Kung may makasalubong ka, huwag mong pansinin. Kung may babati sa iyo, huwag mo nang sagutin. Pagdating mo, ilagay mo agad ang tungkod ko sa mukha ng bata.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.