2 Mga Hari 4

Ngunit sinabi ng ina ng bata kay Eliseo, “Sumusumpa ako sa buháy na Panginoon at sa inyo na hindi po ako uuwi kung hindi ko kayo kasama.” Kaya sumáma sa kanya si Eliseo.

2 Kings 4:30 (UKJV) And the mother of the child said, As the LORD lives, and as your soul lives, I will not leave you. And he arose, and followed her.

28Sinabi ng babae, “Ginoo, hindi naman po ako humiling sa inyo na magkaroon ako ng anak, ʼdi po ba? Sinabi ko pa nga sa inyo na huwag na po ninyo akong paasahin.”

29Kaya sinabi ni Eliseo kay Gehazi, “Maghanda ka, dalhin mo ang aking tungkod at magmadali ka. Kung may makasalubong ka, huwag mong pansinin. Kung may babati sa iyo, huwag mo nang sagutin. Pagdating mo, ilagay mo agad ang tungkod ko sa mukha ng bata.”

30Ngunit sinabi ng ina ng bata kay Eliseo, “Sumusumpa ako sa buháy na Panginoon at sa inyo na hindi po ako uuwi kung hindi ko kayo kasama.” Kaya sumáma sa kanya si Eliseo.

31Nauna si Gehazi at inilagay niya ang tungkod sa mukha ng bata, ngunit hindi nagsalita o gumalaw ang bata. Kaya bumalik si Gehazi para salubungin si Eliseo at sinabi, “Hindi po bumangon ang bata.”

32Nang dumating si Eliseo sa bahay, nakita niyang patay na ang batang nakahiga sa higaan niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.