2 Mga Hari 4

Nauna si Gehazi at inilagay niya ang tungkod sa mukha ng bata, ngunit hindi nagsalita o gumalaw ang bata. Kaya bumalik si Gehazi para salubungin si Eliseo at sinabi, “Hindi po bumangon ang bata.”

2 Kings 4:31 (UKJV) And Gehazi passed on before them, and laid the staff upon the face of the child; but there was neither voice, nor hearing. Wherefore he went again to meet him, and told him, saying, The child is not awaked.

29Kaya sinabi ni Eliseo kay Gehazi, “Maghanda ka, dalhin mo ang aking tungkod at magmadali ka. Kung may makasalubong ka, huwag mong pansinin. Kung may babati sa iyo, huwag mo nang sagutin. Pagdating mo, ilagay mo agad ang tungkod ko sa mukha ng bata.”

30Ngunit sinabi ng ina ng bata kay Eliseo, “Sumusumpa ako sa buháy na Panginoon at sa inyo na hindi po ako uuwi kung hindi ko kayo kasama.” Kaya sumáma sa kanya si Eliseo.

31Nauna si Gehazi at inilagay niya ang tungkod sa mukha ng bata, ngunit hindi nagsalita o gumalaw ang bata. Kaya bumalik si Gehazi para salubungin si Eliseo at sinabi, “Hindi po bumangon ang bata.”

32Nang dumating si Eliseo sa bahay, nakita niyang patay na ang batang nakahiga sa higaan niya.

33Pumasok siya, isinara ang pintuan at nanalangin sa Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.