40Pagkaluto ng pagkain, ipinamahagi niya ito sa mga tao. Ngunit habang kumakain, sumigaw sila, “Lingkod ng Diyos, nakakalason ang pait ng pagkaing ito!” At hindi na nila ito kinain.
41Sinabi ni Eliseo, “Kumuha ka ng harina.” Ibinuhos niya ang harina sa palayok at sinabi sa katulong, “Ipamahagi mo na ito sa kanila para kainin.” Hindi na masama ang lasa nito.
42Isang araw, may isang lalaking galing sa Baal-salisa na nagdala sa propeta ng Diyos na si Eliseo ng isang sakong may lamang dalawampung tinapay na gawa sa unang ani ng sebada at mga bagong aning butil. Sinabi ni Eliseo, “Ibigay mo iyan sa grupo ng mga propeta para kainin.”
43Sinabi ng katulong niya, “Paano ko po ito mapagkakasya sa isang daang katao?” Sumagot si Eliseo, “Ibigay mo ito sa kanila para kainin. Ito ang sinasabi ng Panginoon: Makakakain sila at may matitira pa.”
44Kaya ibinigay niya ito sa kanila, at kumain sila at may natira pa, ayon sa sinabi ng Panginoon.