7Nang mabasa ng hari ng Israel ang sulat, pinunit niya ang damit niya at sinabi, “Bakit ipinadala niya sa akin ang taong ito na may malubhang sakit sa balat para pagalingin? Diyos ba ako? May kapangyarihan ba ako para pumatay at bumuhay? Gumagawa lang siya ng paraan para mag-away kami!”
8Nang malaman ni Eliseo na lingkod ng Diyos ang nangyari, nagpadala siya ng ganitong mensahe sa hari: “Bakit mo pinunit ang damit mo? Papuntahin mo sa akin ang taong ʼyan para malaman niya na may propeta sa Israel.”
9Kaya umalis si Naaman sakay ng mga kabayo at karwahe niya at huminto sa pintuan ng bahay ni Eliseo.
10Nagsugo si Eliseo ng mensahero para sabihin kay Naaman na pumunta siya sa Ilog Jordan, lumubog doon ng pitong beses at gagaling siya.
11Ngunit nagalit si Naaman at padabog na umalis. Sinabi niya, “Akala ko, talagang lalabas siya at haharap sa akin. Iniisip ko na tatawagin niya ang Panginoon niyang Diyos, at ikukumpas ang kanyang kamay sa ibabaw ng aking balat at pagagalingin ako.