3Ngunit sinabi ng isa sa kanila, “Makabubuti po sana kung sasáma po kayo sa amin.” Sumagot siya, “O sige, sasáma ako.”
4Kaya sumáma siya sa kanila. Pumunta nga sila sa Ilog Jordan at pumutol ng mga punongkahoy.
5Habang ang isa sa kanila ay pumuputol ng punongkahoy, nahulog ang ulo ng palakol niya sa tubig, kaya sumigaw siya, “Guro, hiniram ko lang po ʼyon!”
6Nagtanong ang lingkod ng Diyos na si Eliseo, “Saang banda nahulog?” Itinuro ng lalaki kung saang banda ito nahulog, at si Eliseo ay pumutol ng sanga at inihagis ito sa tubig. At lumutang ang ulo ng palakol.
7Sinabi ni Eliseo, “Kunin mo na.” At kinuha nga niya ito.