2 Mga Hari 6

Ang hari ng Aram ay nakikipagdigma noon sa Israel. Pagkatapos niyang makipagpulong sa kanyang mga opisyal, sinabi niya, “Sa mga lugar na ito ako magtatayo ng aking kampo.”

2 Kings 6:8 (UKJV) Then the king of Syria warred against Israel, and took counsel with his servants, saying, In such and such a place shall be my camp.

6Nagtanong ang lingkod ng Diyos na si Eliseo, “Saang banda nahulog?” Itinuro ng lalaki kung saang banda ito nahulog, at si Eliseo ay pumutol ng sanga at inihagis ito sa tubig. At lumutang ang ulo ng palakol.

7Sinabi ni Eliseo, “Kunin mo na.” At kinuha nga niya ito.

8Ang hari ng Aram ay nakikipagdigma noon sa Israel. Pagkatapos niyang makipagpulong sa kanyang mga opisyal, sinabi niya, “Sa mga lugar na ito ako magtatayo ng aking kampo.”

9Nagbigay-babala ang lingkod ng Diyos na si Eliseo sa hari ng Israel, “Mag-ingat kayo! Huwag kayong dumaan sa lugar na iyon dahil pupunta roon ang mga Arameo.”

10Kaya ipinausisa ng hari ng Israel ang lugar na sinasabi ni Eliseo. Hindi lamang isa o dalawang beses nagbabala ang propeta ng Diyos na si Eliseo sa hari, kaya naging maingat ang hari sa mga lugar na iyon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.