2 Mga Hari 6

Kaya ipinausisa ng hari ng Israel ang lugar na sinasabi ni Eliseo. Hindi lamang isa o dalawang beses nagbabala ang propeta ng Diyos na si Eliseo sa hari, kaya naging maingat ang hari sa mga lugar na iyon.

2 Kings 6:10 (UKJV) And the king of Israel sent to the place which the man of God told him and warned him of, and saved himself there, not once nor twice.

8Ang hari ng Aram ay nakikipagdigma noon sa Israel. Pagkatapos niyang makipagpulong sa kanyang mga opisyal, sinabi niya, “Sa mga lugar na ito ako magtatayo ng aking kampo.”

9Nagbigay-babala ang lingkod ng Diyos na si Eliseo sa hari ng Israel, “Mag-ingat kayo! Huwag kayong dumaan sa lugar na iyon dahil pupunta roon ang mga Arameo.”

10Kaya ipinausisa ng hari ng Israel ang lugar na sinasabi ni Eliseo. Hindi lamang isa o dalawang beses nagbabala ang propeta ng Diyos na si Eliseo sa hari, kaya naging maingat ang hari sa mga lugar na iyon.

11Dahil dito, nagalit ang hari ng Aram. Ipinatawag niya ang mga opisyal niya at sinabi, “Sino sa inyo ang kumakampi sa hari ng Israel?”

12Nagsalita ang isa sa opisyal niya, “Wala po talaga kahit isa man sa amin, Mahal na Hari. Ang propeta sa Israel na si Eliseo ang nagpapahayag sa hari ng Israel ng lahat ng sinasabi ninyo kahit pa ang sinasabi nʼyo sa loob ng inyong kuwarto.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.