2 Mga Hari 6

Nagsalita ang isa sa opisyal niya, “Wala po talaga kahit isa man sa amin, Mahal na Hari. Ang propeta sa Israel na si Eliseo ang nagpapahayag sa hari ng Israel ng lahat ng sinasabi ninyo kahit pa ang sinasabi nʼyo sa loob ng inyong kuwarto.”

2 Kings 6:12 (UKJV) And one of his servants said, None, my lord, O king: but Elisha, the prophet that is in Israel, tells the king of Israel the words that you speak in your bedchamber.

10Kaya ipinausisa ng hari ng Israel ang lugar na sinasabi ni Eliseo. Hindi lamang isa o dalawang beses nagbabala ang propeta ng Diyos na si Eliseo sa hari, kaya naging maingat ang hari sa mga lugar na iyon.

11Dahil dito, nagalit ang hari ng Aram. Ipinatawag niya ang mga opisyal niya at sinabi, “Sino sa inyo ang kumakampi sa hari ng Israel?”

12Nagsalita ang isa sa opisyal niya, “Wala po talaga kahit isa man sa amin, Mahal na Hari. Ang propeta sa Israel na si Eliseo ang nagpapahayag sa hari ng Israel ng lahat ng sinasabi ninyo kahit pa ang sinasabi nʼyo sa loob ng inyong kuwarto.”

13Sinabi ng hari, “Lumakad ka at hanapin siya para makapagpadala ako ng mga tauhan upang hulihin siya.” May nakapagsabi sa hari, “Naroon siya sa Dotan.”

14Nagpadala nga roon ang hari ng maraming sundalo na nakasakay sa mga kabayo at karwahe. Gabi na nang makarating sila sa lungsod ng Dotan at pinalibutan nila ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.