11Dahil dito, nagalit ang hari ng Aram. Ipinatawag niya ang mga opisyal niya at sinabi, “Sino sa inyo ang kumakampi sa hari ng Israel?”
12Nagsalita ang isa sa opisyal niya, “Wala po talaga kahit isa man sa amin, Mahal na Hari. Ang propeta sa Israel na si Eliseo ang nagpapahayag sa hari ng Israel ng lahat ng sinasabi ninyo kahit pa ang sinasabi nʼyo sa loob ng inyong kuwarto.”
13Sinabi ng hari, “Lumakad ka at hanapin siya para makapagpadala ako ng mga tauhan upang hulihin siya.” May nakapagsabi sa hari, “Naroon siya sa Dotan.”
14Nagpadala nga roon ang hari ng maraming sundalo na nakasakay sa mga kabayo at karwahe. Gabi na nang makarating sila sa lungsod ng Dotan at pinalibutan nila ito.
15Kinabukasan, maagang gumising ang katulong ni Eliseo, at nakita niya ang mga sundalo na nakasakay sa mga kabayo at karwahe na nakapalibot sa lungsod. Sinabi niya kay Eliseo, “Ano po ang gagawin natin, amo?”