2 Mga Hari 6

Kinabukasan, maagang gumising ang katulong ni Eliseo, at nakita niya ang mga sundalo na nakasakay sa mga kabayo at karwahe na nakapalibot sa lungsod. Sinabi niya kay Eliseo, “Ano po ang gagawin natin, amo?”

2 Kings 6:15 (UKJV) And when the servant of the man of God was risen early, and gone forth, behold, an host compassed the city both with horses and chariots. And his servant said unto him, Alas, my master! how shall we do?

13Sinabi ng hari, “Lumakad ka at hanapin siya para makapagpadala ako ng mga tauhan upang hulihin siya.” May nakapagsabi sa hari, “Naroon siya sa Dotan.”

14Nagpadala nga roon ang hari ng maraming sundalo na nakasakay sa mga kabayo at karwahe. Gabi na nang makarating sila sa lungsod ng Dotan at pinalibutan nila ito.

15Kinabukasan, maagang gumising ang katulong ni Eliseo, at nakita niya ang mga sundalo na nakasakay sa mga kabayo at karwahe na nakapalibot sa lungsod. Sinabi niya kay Eliseo, “Ano po ang gagawin natin, amo?”

16Sumagot si Eliseo, “Huwag kang matakot. Mas marami tayong kasama kaysa sa kanila.”

17Nanalangin si Eliseo, “Panginoon, buksan po ninyo ang mga mata ng katulong ko para makakita siya.” Binuksan ng Panginoon ang mga mata ng katulong, at nakita niya na puno ng mga kabayo at karwaheng apoy ang kaburulan sa paligid ni Eliseo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.