15Ngunit nang sumunod na araw, kumuha si Hazael ng makapal na tela, isinawsaw ito sa tubig at itinakip sa mukha ng hari hanggang sa mamatay ito. Kaya si Hazael ang pumalit bilang hari ng Aram.
16Noong ikalimang taon ng paghahari ni Joram na anak ni Haring Ahab ng Israel, nagsimulang manungkulan bilang hari ng Juda ang anak ni Haring Jehoshafat na si Jehoram.
17Siya ay tatlumpuʼt dalawang taóng gulang nang maging hari. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya sa loob ng walong taon.
18Sumunod siya sa pamumuhay ng mga hari ng Israel, tulad ng ginawa ng pamilya ni Ahab, dahil naging asawa niya ang anak nito. Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon.
19Gayunpaman, ayaw wasakin ng Panginoon ang Juda dahil nangako siya kay David na magpapatuloy ang paghahari ng kanyang angkan, magpakailanman.