2 Mga Hari 8

Ngunit nang sumunod na araw, kumuha si Hazael ng makapal na tela, isinawsaw ito sa tubig at itinakip sa mukha ng hari hanggang sa mamatay ito. Kaya si Hazael ang pumalit bilang hari ng Aram.

2 Kings 8:15 (UKJV) And it came to pass on the next day, that he took a thick cloth, and dipped it in water, and spread it on his face, so that he died: and Hazael reigned in his position.

13Sumagot si Hazael, “Paano magagawa ng isang aliping katulad ko ang mga bagay na yan? Akoʼy isang hamak na tagasunod lang!” Sumagot si Eliseo, “Ipinakita sa akin ng Panginoon na magiging hari ka ng Aram.”

14Umalis si Hazael at bumalik sa kanyang among hari. Tinanong siya ni Ben-hadad, “Ano ang sinabi ni Eliseo sa iyo?” Sumagot si Hazael, “Sinabi niya po sa akin na tiyak na gagaling kayo.”

15Ngunit nang sumunod na araw, kumuha si Hazael ng makapal na tela, isinawsaw ito sa tubig at itinakip sa mukha ng hari hanggang sa mamatay ito. Kaya si Hazael ang pumalit bilang hari ng Aram.

16Noong ikalimang taon ng paghahari ni Joram na anak ni Haring Ahab ng Israel, nagsimulang manungkulan bilang hari ng Juda ang anak ni Haring Jehoshafat na si Jehoram.

17Siya ay tatlumpuʼt dalawang taóng gulang nang maging hari. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya sa loob ng walong taon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.