2 Mga Hari 8

Umalis si Hazael at bumalik sa kanyang among hari. Tinanong siya ni Ben-hadad, “Ano ang sinabi ni Eliseo sa iyo?” Sumagot si Hazael, “Sinabi niya po sa akin na tiyak na gagaling kayo.”

2 Kings 8:14 (UKJV) So he departed from Elisha, and came to his master; who said to him, What said Elisha to you? And he answered, He told me that you should surely recover.

12Tinanong siya ni Hazael, “Ginoo, bakit po kayo umiiyak?” Sumagot siya, “Dahil nalalaman ko ang masamang gagawin mo sa mga Israelita. Susunugin mo ang matatatag na lungsod, papatayin mo ang mga binata nila sa pamamagitan ng espada, ihahampas mo ang maliliit nilang anak at hahatiin mo ang tiyan ng mga buntis.”

13Sumagot si Hazael, “Paano magagawa ng isang aliping katulad ko ang mga bagay na yan? Akoʼy isang hamak na tagasunod lang!” Sumagot si Eliseo, “Ipinakita sa akin ng Panginoon na magiging hari ka ng Aram.”

14Umalis si Hazael at bumalik sa kanyang among hari. Tinanong siya ni Ben-hadad, “Ano ang sinabi ni Eliseo sa iyo?” Sumagot si Hazael, “Sinabi niya po sa akin na tiyak na gagaling kayo.”

15Ngunit nang sumunod na araw, kumuha si Hazael ng makapal na tela, isinawsaw ito sa tubig at itinakip sa mukha ng hari hanggang sa mamatay ito. Kaya si Hazael ang pumalit bilang hari ng Aram.

16Noong ikalimang taon ng paghahari ni Joram na anak ni Haring Ahab ng Israel, nagsimulang manungkulan bilang hari ng Juda ang anak ni Haring Jehoshafat na si Jehoram.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.