26‘Nakita ko kahapon ang pagkamatay ni Nabot at ng kanyang mga anak. At nangangako ako na parurusahan kita sa lupain mismo ni Nabot. Ako ang Panginoon ang nagsasabi nito.’ Kaya kunin mo ang katawan niya at itapon sa bukid ni Nabot ayon sa sinabi ng Panginoon.”
27Nang makita ni Haring Ahazias ng Juda ang nangyari, tumakas siya papunta sa Bet-hagan. Hinabol siya ni Jehu na sumisigaw, “Panain din siya!” Kaya pinana nila siya sa kanyang karwahe sa daan papunta sa Gur, malapit sa Ibleam. Nakatakas siya na sugatan hanggang sa Megido, pero namatay siya roon.
28Kinuha ng mga lingkod ni Ahazias ang bangkay niya at isinakay sa karwahe papunta sa Jerusalem. Inilibing siya sa libingan ng mga ninuno niya sa Lungsod ni David.
29Naging hari ng Juda si Ahazias nang ika-11 taon ng paghahari ni Joram na anak ni Ahab sa Israel.
30Pumunta si Jehu sa Jezreel. Nang nalaman ito ni Jezebel, kinulayan ni Jezebel ng pampaganda ang kanyang mga mata, inayos ang buhok niya at dumungaw sa bintana ng palasyo.