2 Pedro 2

Ngunit nilalapastangan ng mga gurong ito ang mga bagay na hindi nila naiintindihan. Para silang mga hayop na walang isip at ipinanganak upang hulihin at patayin. Talagang lilipulin ang mga taong ito.

2 Peter 2:12 (UKJV) But these, as natural brute beasts, made to be taken and destroyed, speak evil of the things that they understand not; and shall utterly perish in their own corruption;

11Kahit ang mga anghel, na higit pang malakas at makapangyarihan sa mga gurong ito, ay hindi nilalapastangan ang mga makapangyarihang nilalang sa harap ng Panginoon.

12Ngunit nilalapastangan ng mga gurong ito ang mga bagay na hindi nila naiintindihan. Para silang mga hayop na walang isip at ipinanganak upang hulihin at patayin. Talagang lilipulin ang mga taong ito.

13Ito ang kabayaran sa ginagawa nilang kasamaan. Mahilig silang gumawa ng lantarang kalaswaan. Malaking kahihiyan at kapintasan ang dala nila sa inyo. Natutuwa silang lokohin kayo habang kumakain silang kasama ninyo sa mga pagsasalo-salo ninyo.

14Kung tumingin sila sa babae, puno ito ng pagnanasa. Wala silang tigil sa paggawa ng kasalanan at hinihikayat pa ang mga taong mahihina. Sanay sila sa pagiging sakim. Mga isinumpa sila!

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.