2 Pedro 2

Kahit nga ang mga anghel ay hindi kinaawaan ng Diyos nang nagkasala sila. Sa halip, itinapon sila sa malalim at madilim na hukay upang doon hintayin ang Araw ng Paghuhukom.

2 Peter 2:4 (UKJV) For if God spared not the angels that sinned, but cast them down to hell, and delivered them into chains of darkness, to be reserved unto judgment;

2Sa kabila nito, marami pa ring susunod sa nakakahiya nilang pamumuhay, at dahil sa kanila, malalapastangan ang katotohanang sinusunod natin.

3Dahil sa kasakiman nila, lilinlangin nila kayo sa pamamagitan ng matatamis na salita upang perahan kayo. Matagal nang nakahanda ang hatol sa kanila, at malapit na silang lipulin.

4Kahit nga ang mga anghel ay hindi kinaawaan ng Diyos nang nagkasala sila. Sa halip, itinapon sila sa malalim at madilim na hukay upang doon hintayin ang Araw ng Paghuhukom.

5Hindi rin kinaawaan ng Diyos ang mga tao noong unang panahon dahil sa kasamaan nila, kundi nilipol silang lahat sa baha. Tanging si Noe na nangaral tungkol sa matuwid na pamumuhay at ang pito niyang kasama ang nakaligtas.

6Hinatulan din ng Diyos ang mga lungsod ng Sodoma at Gomora dahil sa kasamaan nila, at sinunog ang mga ito, para ipakita ang mangyayari sa masasamâ.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.