15Pagkatapos, tinawag ni David ang isa sa mga tauhan niya at inutusan, “Patayin mo ang taong ito!” Pinatay nga ng tauhan niya ang tao.
16Sinabi ni David, “Ikaw ang dapat sisihin sa kamatayan mo. Ikaw na mismo ang tumestigo laban sa sarili mo nang sabihin mong pinatay mo ang piniling hari ng Panginoon.”
17Gumawa si David ng isang awit para kay Saul at sa anak nitong si Jonatan,
18at iniutos niyang ituro ito sa mga mamamayan ng Juda. Tinawag itong “Awit Tungkol sa Pana” at nakasulat ito sa Aklat ni Jashar. Ito ang panaghoy niya:
19“O Israel, ang mga dakilang mandirigma moʼy namatay sa kabundukan mismo ng Israel. Napatay din ang mga magigiting mong sundalo.