17Gumawa si David ng isang awit para kay Saul at sa anak nitong si Jonatan,
18at iniutos niyang ituro ito sa mga mamamayan ng Juda. Tinawag itong “Awit Tungkol sa Pana” at nakasulat ito sa Aklat ni Jashar. Ito ang panaghoy niya:
19“O Israel, ang mga dakilang mandirigma moʼy namatay sa kabundukan mismo ng Israel. Napatay din ang mga magigiting mong sundalo.
20Huwag itong ipaalam sa Gat, o sa mga lansangan ng Ashkelon, baka ikagalak ito ng mga babaeng Filisteo na hindi nakakakilala sa Diyos.
21O Bundok ng Gilboa, wala sanang ulan o hamog na dumating sa iyo. Wala sanang tumubong pananim sa iyong bukirin upang ihandog sa Diyos. Sapagkat diyan nadungisan ng mga kaaway ang kalasag ng magiting na si Haring Saul. At wala nang magpapahid dito ng langis upang itoʼy linisin at pakintabin.