2 Samuel 11

Isang hapon, bumangon si David at naglakad-lakad sa bubungan ng palasyo. Habang nakatingin siya sa ibaba, may nakita siyang isang magandang babaeng naliligo.

2 Samuel 11:2 (UKJV) And it came to pass in an evening-time, that David arose from off his bed, and walked upon the roof of the king's house: and from the roof he saw a woman washing herself; and the woman was very beautiful to look upon.

1Pagsapit ng tagsibol ng taóng iyon, ang panahong karaniwang nakikipagdigma ang mga hari, inutusan ni David si Joab kasama ang mga opisyal niya, at ang buong hukbo ng Israel na salakayin ang mga Amonita. Tinalo nila ang mga ito at sinakop nila ang Rabba. Samantala, si David ay nanatili sa Jerusalem.

2Isang hapon, bumangon si David at naglakad-lakad sa bubungan ng palasyo. Habang nakatingin siya sa ibaba, may nakita siyang isang magandang babaeng naliligo.

3Nag-utos si David na alamin kung sino ang babaeng iyon. Napag-alaman niyang ang babae ay si Batsheba na anak ni Eliam at asawa ni Urias na Heteo.

4Ipinasundo ni David si Batsheba at nang dumating ito, sinipingan siya ni David. (Katatapos pa lang noon ni Batsheba ng seremonya ng paglilinis dahil sa buwanan niyang dalaw.) Pagkatapos nilang magsiping, umuwi siya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.