11“Ito pa ang sinasabi ng Panginoon: May isang miyembro ng sambahayan mo ang maghihimagsik laban sa iyo. Ibibigay ko ang mga asawa mo sa taong iyon na hindi iba sa iyo at sisiping siya sa kanila na kitang-kita ng mga tao.
12Ginawa mo ito nang lihim pero ang gagawin koʼy makikita nang hayagan ng buong Israel.”
13Sinabi ni David kay Natan, “Nagkasala ako sa Panginoon.” Sumagot si Natan, “Pinatawad ka na ng Panginoon at hindi ka mamamatay sa kasalanang ginawa mo.
14Ngunit dahil sa ginawa mo, binigyan mo ng dahilan ang mga kalaban ng Panginoon na lapastanganin siya kaya siguradong mamamatay ang anak mo.”
15Nang makauwi na si Natan, ipinahintulot ng Panginoon na magkasakit nang malubha ang anak ni David kay Batsheba.