14Ngunit dahil sa ginawa mo, binigyan mo ng dahilan ang mga kalaban ng Panginoon na lapastanganin siya kaya siguradong mamamatay ang anak mo.”
15Nang makauwi na si Natan, ipinahintulot ng Panginoon na magkasakit nang malubha ang anak ni David kay Batsheba.
16Nakiusap si David sa Diyos para sa bata. Nag-ayuno siya sa loob ng kuwarto niya, at natutulog siya sa lapag gabi-gabi.
17Pinuntahan siya ng mga tagapamahala ng kanyang sambahayan para pabangunin, pero ayaw niya, at ayaw din niyang kumaing kasama nila.
18Nang ikapitong araw, namatay ang bata. Natakot ang mga lingkod ni David na sabihin sa kanya na patay na ang bata. Sinabi nila, “Paano natin sasabihin sa kanya na patay na ang bata? Hindi nga niya pinapansin ang pagdamay natin sa kanya noong buháy pa ang bata, paano pa kaya ngayong patay na ito. Baka kung ano ang gawin niya sa sarili niya!”