29Kaya tinipon ni David ang natitirang sundalo at sinalakay nila ang Rabba, at nasakop nila ito.
30Kinuha ni David sa ulo ng hari ng mga Amonita ang gintong korona at ipinutong ito sa kanyang ulo. Ang bigat ng korona ay tatlumpuʼt limang kilo at may mga mamahaling bato. Marami pang bagay ang nasamsam ni David sa lungsod na iyon.
31Ginawa niyang alipin ang mga naninirahan doon at sapilitan silang pinagtrabaho gamit ang lagare, piko, at palakol, at pinagawa rin sila ng mga tisa. Ito ang ginawa ni David sa mga naninirahan sa lahat ng bayan ng mga Amonita. Pagkatapos, umuwi si David at ang lahat ng sundalo niya sa Jerusalem.