2 Samuel 13

Sa paglipas ng panahon, si Amnon na anak ni David ay umibig kay Tamar, ang magandang dilag na kapatid ni Absalom na anak rin ni David.

2 Samuel 13:1 (UKJV) And it came to pass after this, that Absalom the son of David had a fair sister, whose name was Tamar; and Amnon the son of David loved her.

1Sa paglipas ng panahon, si Amnon na anak ni David ay umibig kay Tamar, ang magandang dilag na kapatid ni Absalom na anak rin ni David.

2Ngunit hindi niya magawa ang gusto niyang gawin kay Tamar dahil dalaga pa ito at lagi itong may bantay. Dahil dito, sumama ang loob niya hanggang sa magkasakit siya.

3May napakatusong kaibigan si Amnon na ang pangalan ay Jonadab. Anak siya ng kapatid ni David na si Shimea.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.