2 Samuel 12

“Minsan, may dumating na bisita sa bahay ng mayaman, ngunit ayaw niyang katayin ang baka o tupa niya para ipakain sa bisita niya. Kaya kinuha niya ang tupa ng mahirap at ito ang inihanda niya para sa bisita niya.”

2 Samuel 12:4 (UKJV) And there came a traveller unto the rich man, and he spared to take of his own flock and of his own herd, to dress for the travelling man that was come unto him; but took the poor man's lamb, and dressed it for the man that was come to him.

2Ang mayaman ay maraming tupa at baka,

3subalit ang mahirap ay walang ibang pagmamay-ari maliban sa isang tupang nabili niya. Inalagaan niya ito at lumaking kasabay ng mga anak niya. Pinapakain niya ito ng kanyang pagkain at pinapainom sa kanyang baso at kinakarga-karga pa sa kanyang braso para makatulog. Para na itong anak niyang babae.

4“Minsan, may dumating na bisita sa bahay ng mayaman, ngunit ayaw niyang katayin ang baka o tupa niya para ipakain sa bisita niya. Kaya kinuha niya ang tupa ng mahirap at ito ang inihanda niya para sa bisita niya.”

5Labis na nagalit si David sa mayaman at sinabi niya kay Natan, “Isinusumpa ko sa Panginoon na buháy, na dapat patayin ang taong gumawa niyan.

6Dapat niyang bayaran ng hanggang apat na beses ang halaga ng isang tupang kanyang kinuha dahil wala siyang awa.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.