2 Samuel 12

Ang mayaman ay maraming tupa at baka,

2 Samuel 12:2 (UKJV) The rich man had exceeding many flocks and herds:

1Ngayon, isinugo ng Panginoon si Propeta Natan kay David. Pagdating niya kay David, sinabi niya, “May dalawang taong nakatira sa isang bayan. Ang isaʼy mayaman at ang isaʼy mahirap.

2Ang mayaman ay maraming tupa at baka,

3subalit ang mahirap ay walang ibang pagmamay-ari maliban sa isang tupang nabili niya. Inalagaan niya ito at lumaking kasabay ng mga anak niya. Pinapakain niya ito ng kanyang pagkain at pinapainom sa kanyang baso at kinakarga-karga pa sa kanyang braso para makatulog. Para na itong anak niyang babae.

4“Minsan, may dumating na bisita sa bahay ng mayaman, ngunit ayaw niyang katayin ang baka o tupa niya para ipakain sa bisita niya. Kaya kinuha niya ang tupa ng mahirap at ito ang inihanda niya para sa bisita niya.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.