2 Samuel 12

Ngayon, isinugo ng Panginoon si Propeta Natan kay David. Pagdating niya kay David, sinabi niya, “May dalawang taong nakatira sa isang bayan. Ang isaʼy mayaman at ang isaʼy mahirap.

2 Samuel 12:1 (UKJV) And the LORD sent Nathan unto David. And he came unto him, and said unto him, There were two men in one city; the one rich, and the other poor.

1Ngayon, isinugo ng Panginoon si Propeta Natan kay David. Pagdating niya kay David, sinabi niya, “May dalawang taong nakatira sa isang bayan. Ang isaʼy mayaman at ang isaʼy mahirap.

2Ang mayaman ay maraming tupa at baka,

3subalit ang mahirap ay walang ibang pagmamay-ari maliban sa isang tupang nabili niya. Inalagaan niya ito at lumaking kasabay ng mga anak niya. Pinapakain niya ito ng kanyang pagkain at pinapainom sa kanyang baso at kinakarga-karga pa sa kanyang braso para makatulog. Para na itong anak niyang babae.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.