2 Samuel 13

Pagkaraan ng dalawang taon, nang pinapagupitan ni Absalom ang mga tupa niya sa Baal-hazor, malapit sa Efraim, inimbita niya ang lahat ng anak ng hari na sumáma para magdiwang doon.

2 Samuel 13:23 (UKJV) And it came to pass after two full years, that Absalom had sheepshearers in Baalhazor, which is beside Ephraim: and Absalom invited all the king's sons.

21Nang malaman ni Haring David ang nangyari, galit na galit siya.

22At kahit walang binanggit si Absalom kay Amnon tungkol sa ginawa nito sa kapatid niya, kinasuklaman niya ito sa kahihiyang idinulot nito sa kapatid niyang si Tamar.

23Pagkaraan ng dalawang taon, nang pinapagupitan ni Absalom ang mga tupa niya sa Baal-hazor, malapit sa Efraim, inimbita niya ang lahat ng anak ng hari na sumáma para magdiwang doon.

24Nagpunta siya kay Haring David at sinabi, “Nagpapagupit po ako ng mga tupa, makakapunta po ba kayo at ang mga opisyal nʼyo sa okasyong ito?”

25Sumagot ang hari, “Hindi na lang anak, mahihirapan ka lang kung sasáma kaming lahat.” Pinilit siya ni Absalom pero hindi siya pumayag. Binasbasan na lang niya si Absalom.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.