19Nagtanong ang hari, “Si Joab ba ang nagturo nito sa iyo?” Sumagot ang babae, “Hindi ko po kayang magsinungaling sa inyo, Mahal na Hari. Si Joab nga po ang nag-utos sa aking gawin ito at siya rin ang nagturo sa akin kung ano ang mga dapat kong sabihin.
20“Ginawa po niya ito para magkaayos na po kayo ni Absalom. Ngunit matalino kayo, Mahal na Hari, gaya ng isang anghel ng Diyos, nalalaman nʼyo ang lahat ng nangyayari sa bansa natin.”
21Kaya ipinatawag ng hari si Joab at sinabi, “Sige, lumakad ka at dalhin mo pabalik dito ang binatang si Absalom.”
22Nagpatirapa siya sa hari at sinabi, “Pagpalain sana kayo ng Panginoon, Mahal na Hari. Ngayon, nalalaman kong nalulugod kayo sa akin dahil tinupad nʼyo ang kahilingan ko.”
23Pagkatapos, pumunta si Joab sa Gesur at dinala si Absalom pabalik sa Jerusalem.