25Wala nang hihigit pa sa kagwapuhan ni Absalom sa buong Israel kaya hinahangaan siya ng lahat. Wala siyang kapintasan mula ulo hanggang paa.
26Isang beses lang siya magpagupit bawat taon kapag nabibigatan na siya sa buhok niya. Kung titimbangin ang buhok niya, aabot ito ng dalawang kilo, ayon sa timbangang ginagamit ng hari.
27Si Absalom ay may tatlong anak na lalaki at isang napakagandang babaeng nagngangalang Tamar.
28Nanirahan si Absalom sa Jerusalem sa loob ng dalawang taon na hindi nakikita ang hari.
29Isang araw, ipinatawag ni Absalom si Joab para hilingin na makipag-usap ito sa hari para sa kanya. Ngunit hindi pumunta si Joab kay Absalom. Kaya muling ipinatawag siya ni Absalom, subalit hindi pa rin siya pumunta.