28Nanirahan si Absalom sa Jerusalem sa loob ng dalawang taon na hindi nakikita ang hari.
29Isang araw, ipinatawag ni Absalom si Joab para hilingin na makipag-usap ito sa hari para sa kanya. Ngunit hindi pumunta si Joab kay Absalom. Kaya muling ipinatawag siya ni Absalom, subalit hindi pa rin siya pumunta.
30Sinabi ni Absalom sa mga lingkod niya, “Sunugin nʼyo ang bukid ni Joab na taniman ng sebada. Katabi lang ito ng bukid ko.” Kaya sinunog nila ang bukid ni Joab.
31Pumunta si Joab kay Absalom at sinabi, “Bakit sinunog ng mga lingkod mo ang bukid ko?”
32Sumagot si Absalom, “Dahil hindi ka pumunta rito noong ipinatawag kita. Gusto ko sanang pumunta ka sa hari at tanungin siya kung bakit ipinakuha pa niya ako sa Gesur. Mas mabuti pang nagpaiwan na lang ako roon. Nais kong humarap sa hari. At kung nagkasala ako, kahit patayin niya na ako.”