2 Samuel 16

Bukod pa riyan, sino pa ba ang pagsisilbihan ko, kundi kayong anak ni David. Naglingkod ako noon sa ama ninyo, ngayon, kayo naman ang paglilingkuran ko.”

2 Samuel 16:19 (UKJV) And again, whom should I serve? should I not serve in the presence of his son? as I have served in your father's presence, so will I be in your presence.

17Tinanong ni Absalom si Husai, “Nasaan na ang katapatan mo sa kaibigan mo? Bakit hindi ka sumáma sa kanya?”

18Sumagot si Husai, “Hindi ako sumama sa kanya, dahil kung sino ang pinili ng Panginoon at ng buong Israel na maging hari, sa kanya ako maglilingkod.

19Bukod pa riyan, sino pa ba ang pagsisilbihan ko, kundi kayong anak ni David. Naglingkod ako noon sa ama ninyo, ngayon, kayo naman ang paglilingkuran ko.”

20Sinabi ni Absalom kay Ahitofel, “Ngayon, ano ang maipapayo mong gawin natin?”

21Sumagot si Ahitofel, “Sipingan nʼyo ang mga asawang alipin ng inyong ama na kanyang iniwan para asikasuhin ang palasyo. At malalaman ng buong Israel na ginalit nʼyo nang labis ang inyong ama at lalakas pa lalo ang suporta ng mga tauhan nʼyo sa inyo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.